^

Police Metro

Walang mass transport crisis sa Metro Manila - Palasyo

Rudy Andal - Pang-masa
Walang mass transport crisis sa Metro Manila - Palasyo
Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media briefing matapos itong kumasa sa commute challenge sa kanya ng mga aktibista.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Palasyo na mayroong umiiral na traffic crisis sa Metro Manila pero nanindigan na walang mass transport crisis sa kasalukuyan.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media briefing matapos itong kumasa sa commute challenge sa kanya ng mga aktibista.

“There is a traffic crisis. Mas matindi ngayon ang traffic situation pero walang mass transport crisis dahil wala namang paralysis,” wika pa ni Sec. Panelo.

Nilinaw din ni Pa­nelo na ginagawan na ng solusyon ng gobyerno ang nararanasang krisis sa trapiko sa Metro Manila sa pamamagitan ng Build, Build, Build projects.

Isa rin sa nakikitang solusyon ni Panelo upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila ay ang pagbabawas ng mga lumang sasakyan sa kalsada, at pagtatayo ng mas mara­ming skyways.

Magugunita na inabot ng halos apat na oras si Pa­nelo nang mag-commute ito papasok sa Malacañang mula sa Marikina City nang sumakay ng apat na jeep at motorsiklo bago makarating sa kanyang opisina.

vuukle comment

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with