^

Police Metro

Mister na nagmartilyo sa misis, sumuko

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Mister na nagmartilyo sa misis, sumuko
Bitbit ng mga miyembro ng Special Mayor’s Reaction Team (SMART) ang suspek na si Eric Capulong na nagmartilyo at nakapatay sa kanyang live-in partner na si Concepcion Beldad matapos itong sumuko, kamakalawa ng gabi.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sumuko na ang suspek na si Roderick Capulong, 43, na nagmartilyo at nakapatay sa kanyang misis nang ito ay sunduin ng mga otoridad sa bahay ng kanyang kapatid sa Citihomes Subdivision, Brgy. Molino IV, Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng alas-11:00 ng gabi.

Inamin ng suspek na nagawa niyang patayin ang live-in partner na si Concepcion Beldad, 39 dahil sa matinding selos.

Si Beldad ay nakatalaga sa Ordinance Violation Receipt Division ng Manila Traffic and Parking Bureau.

Ayon kay Capulong na nagdilim ang kanyang paningin nang sabihin ng biktima na nais nitong makipaghiwalay sa kanya dahil sa pagiging seloso na hindi niya matanggap.

Kaya’t nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng biktima hanggang sa kumuha ang suspek ng martilyo at hinataw sa ulo ang una na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

vuukle comment

CRIME

RODERICK CAPULONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with