^

Police Metro

Mag-asawa pinatay sa harap ng bahay

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang mister habang idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang misis nito matapos na sila ay pagbabarilin sa pinto ng kanilang bahay ng isang la­laki na kanilang nakaalitan, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Mojon, Malolos City, Bulacan.

Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Christian Espiritu, 35, negosyante at Mary Chris, 29, ng No. 36, Mayabong St., Maunlad Homes Subdivision ng nasabing barangay.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-4:30 ng hapon ay aksidenteng nabangga ng hindi pa nakikilalang suspek ang bumper ng kotse ng mag-asawa na nakaparad sa harap ng kanilang bahay.

Dito ay bumaba ng sasakyan si Christian at kinompronta ang suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang huli kaya’t mabilis na tumakbo papasok sa kanilang bahay ang mag-asawa.

Nasa tarangkahan pa lamang ng kanilang bahay ang mag-asawa nang pagbabarilin sila ng suspek na mabilis na tumakas.

vuukle comment

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with