4 todas sa Bulacan drug bust
MANILA, Philippines — Patay ang apat na drug pushers sa magkakahiwalay na buy bust operations sa San Jose del Monte City, Pandi at San Rafael, lalawigan ng Bulacan.
Bandang ala-1:00 ng madaling araw nang mapatay ang mga drug pushers na sina Jay-R Ansiboy at alyas Romel Banay sa Brgy. Gaya-Gaya sa San Jose del Monte City.
Dakong alas-2:30 naman ng madaling araw nang makipagbarilan at napatay ng pulisya ang drug pusher na si Amador Medina alyas Ador, sa operasyon sa Brgy. Masagana, Pandi.
Sa isa pang operasyon, dakong alas-4:30 naman ng madaling araw nang mauwi rin sa engkuwentro ang buy bust operation laban sa drug suspect na si Reynaldo del Rosario alyas Jun sa Brgy. Maronquillo, San Rafael, Bulacan na kung saan ay napatay ito.
- Latest