^

Police Metro

6 tiklo sa P14.3-M marijuana

Joy Cantos - Pang-masa
6 tiklo sa P14.3-M marijuana
Sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang Danao City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas kung saan sina­lakay ang dalawang plantasyon ng marijuana sa Brgy. Licos at Langosig; pawang sa lungsod dakong alas-7:30 ng umaga at naaresto ang apat.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Anim na katao ang naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na police operation at nasamsam ang nasa P14.3-M halaga ng marijuana sa Danao City, Cebu kamakalawa.

Ang mga nasakote ay nakilalang sina Benjie Salde Depositario, 34; Inocentes Juntilla Depositario, 59; Berting Salde Depositario, 27, at Melvin Salde Depositario, 30, nasamsam sa mga ito ang isang cal. 45 baril at mga bala.

Nasakote sa ikalawang operasyon ang mga suspek na nakilalang sina Jay Basalo Acidillo at Jhosar Basalo Acidillo, parehong nasa drug watchlist ng pulisya at PDEA Region 7.

Sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang Danao City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Visayas kung saan sina­lakay ang dalawang plantasyon ng marijuana sa Brgy. Licos at Langosig; pawang sa lungsod dakong alas-7:30 ng umaga at naaresto ang apat.

Binunot ng mga otoridad ang mga puno ng marijuana na aabot sa P4.1 M at 4,000 binhi at mga buto na nagkakaha­laga naman ng P160,000.

Sumunod namang sinalakay ng mga ope­ratiba ang mas malaking plantasyon ng marijuana sa Barangay Langosig dakong alas-9:00 ng umaga at naaresto ang dalawang suspek kung saan nabunot dito ang tinatayang 25,000 malalaking puno ng marijuana na nagkakahalaga naman ng P10M.  

vuukle comment

MARIJUANA

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with