Divine guidance hingi ni Mayor Sara kung tatakbong presidente sa 2022
MANILA, Philippines — “Everything will be easier if it’s the plan of God. I think siguro [maybe] before I think about that, I should ask God first if this is for me,” sabi ni Mayor Sara sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy.
“Siguro para hindi tayo magkamali [Maybe, so that we don’t make a mistake,] we need to pray for wisdom on how to go about it and how to decide,” ayon kay Mayor Inday.
Inamin din ni Quiboloy na nag-usap sila ni Mayor Sara tungkol sa presidency pero tumangging magbigay ng detalye.
“For the next one that God in heaven will choose for us, ipanalangin natin na siya ang magbibigay ng guidance sa atin [let us pray for that he or she would give us guidance.] We will always pray for Mayor Inday here because I know God has bigger plans for her,” wika pa ni Quiboloy.
Aminado rin si Mayor Sara na maraming local officials ang naging kaibigan niya noong senatorial campaign ng Hugpong ng Pagbabago.
Magugunita na sinabi noon ni Pangulong Duterte kay Mayor Sara na huwag nang pasukin ang pagtakbo ng presidente dahil gugulo lamang ang buhay nito.
- Latest