^

Police Metro

Pamilya, 3 nilamon ng lupa

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos na matabunan ng lupa habang naglalakad para bumili ng pagkain na kanilang hapunan sa naganap na landslide sa Brgy. Nuing, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Efrencio Serna Sr., misis niyang si Mateya, kapwa 53-anyos; at anak nilang si Efrencio Jr., 23, ng Purok Mangga, Barangay Nuing.

Sa ulat na nakarating kay Mayor Jason John Joyce, dakong alas-8:00 ng gabi ay sobrang lakas ng ulan nang naisipan ng pamilyang Serna na lumabas ng bahay upang bumili ng makakain.

Habang naglalakad pauwi na sa kanilang bahay matapos makabili ng pagkain ay bigla na lang nahulog ang malaking tibag ng bato na may kasamang putik na dumagan sa pamilya.

Kinaumagahan ay nagsagawa ng retrieval operation ang mga otoridad at nahukay ang bangkay ng mga biktima.

vuukle comment

EFRENCIO SERNA SR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with