52 katao nasugatan sa Surigao earthquake
MANILA, Philippines — Umabot na sa 52 katao ang nasugatan sa pagtama ng 5.5 magnitude na lindol habang nasa 206 namang pamilya o kabuuang 826 katao ang naapektuhan sa siyam na barangay sa Carrascal, Surigao del Sur, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.
Ito ang inihayag ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad base sa pinakahuling update na nakalap ng kanilang tanggapan.
Ayon kay Jalad, ang Surigao-Davao coastal road K1229, 950, Sitio Nocot, Brgy. Saca, Carrascal, Surigao del Sur ay maari lamang madaanan ng maliliit na behikulo dahilan sa mga bumagsak na electrical post at mga nakalaylay na cable wire.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng mga napinsalang imprastraktura at bahay sa mga bayan ng Carmen, Cantillan, Madrid, Carrascal at Lanuza habang napinsala rin ang linya ng tubig sa pamilihang bayan, Brgy. Cancayan at Brgy. Hall.
- Latest