^

Police Metro

2 parak patay sa NPA rebels

Jorge Hallare, Gemma Garcia - Pang-masa
2 parak patay sa NPA rebels
Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-5:00 ng umaga ay nagsasagawa ng intelligence operation ang mga otoridad na kasapi ng 2nd PMFC, 1st PMFC at Regional Intelligence Unit-5 nang masalubong nila ang aabot sa 18 na rebelde.
File

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang nasawi nang mapatay ng mga nakasagupang rebeldeng New People’s Army habang nagsasagawa ng intelligence operation sa bulubunduking lugar ng Brgy. Payak, Bato, Camarines Sur, kahapon ng umaga.

Ang dalawang nasawi habang ginagamot sa Medical Mission Gruop Hospital sa Nabua ay kinilalang sina P/Master Seargent Sotero Javier; at Patrolman Prince Lagdameo, kapwa kasapi ng 2nd Police Mobile Force Company (PMFC).

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-5:00 ng umaga ay nagsasagawa ng intelligence operation ang mga otoridad na kasapi ng 2nd PMFC, 1st PMFC at Regional Intelligence Unit-5 nang masalubong nila ang aabot sa 18 na rebelde.

Agad nagkaroon nang putukan na umabot ng 20 minuto hanggang parehong tamaan ng bala ang mga biktima sa katawan na isinugod sa hospital pero namatay habang ginagamot.

Umatras naman ang mga rebelde na patuloy na tinutugis ng mga pulis katuwang ang mga kasapi ng 9th Infantry Division ng Philippine Army.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with