80% Pinoys satisfy kay Duterte-SWS
Nakakuha ng pinakamataas na performance rating...
MANILA, Philippines — Inilabas kahapon ng Social Weather Stations ang resulta ng survey na kung saan ay nakakuha si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong personal na record-high satisfaction rating sa nakuhang 80 percent ng Pinoys na nasisiyahan sa pamumuno nito kung ikukumpara sa 12 percent na hindi nasisiyahan at 9 percent ay undecided.
Sa Second Quarter 2019 Social Weather Survey ay ipinakikita ang gross satisfaction sa Pangulo na tumaas ng 1 point mula 79% noong March 2019, gross undecided rose ng 1 point mula 8%, at gross dissatisfaction na bumagsak ng 1 point mula 13%.
Ang net satisfaction rating ay +68, na kinukonsidera ng SWS na “very good” at bagong personal record-high para sa Pangulo at nalagpasan ang dating record na very good +66 noong March 2019 at June 2017.
Ayon pa sa SWS na ang 2-point na itinaas sa President Duterte’s net satisfaction rating ay mula March 2019 hanggang June 2019 ay dahil sa pagtaas sa Balance Luzon, at offset ng declines sa Mindanao, Visayas, at Metro Manila.
Nanatili ang President’s net satisfaction rating na very good sa Balance Luzon, at ang bagong record-high +65 noong June 2019, na tumaas ng 9 points mula +56 noong March 2019 at nalampasan ang nakaraang record ng very good +60 noong December 2016.
- Latest