^

Police Metro

Tatay tinodas sa harap ng 2 anak

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 47-anyos na ama nang pagbabarilin at pagtatagain pa sa harap mismo ng kanyang dalawang anak ng ‘di pa natutukoy na suspek habang pauwi sa kanilang tahanan naganap sa Brgy. Guibahoy, sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot bunsod ng dalawang tama ng bala sa dibdib at malalalim na sugat sa batok sanhi ng pananaga ang biktimang si Jess Clores Reyes, residente ng nasabing barangay. Hindi naman ginalaw ang dalawang menor-de-edad na anak na kasama ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon, naglalakad pauwi ang mag-aama ga-ling sa kanilang plantasyon ng niyog nang harangin ng suspek na natatakpan ng damit ang mukha at armado ng baril at itak.

Bago pa nakatakbo ang biktima ay agad siyang binaril nang dalawang beses sa dibdib ng suspek at nang bumulagta ay saka pinagtataga sa batok hanggang sa malagutan ng hininga.

Makaraang masigu- rong patay na ang biktima ay tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Patuloy sa ginagawang imbestigasyon ang mga pulis sa pagkakakilanlan at motibo ng suspek.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with