^

Police Metro

Biyenan pinugutan ng manugang

Raymund Catindig - Pang-masa
Biyenan pinugutan ng manugang
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatanim ng galit ang suspek sa biktima nang bawiin nito ang regalong kalabaw sa kanya matapos na ang anak nito na kanyang dating asawa ay hiniwalayan siya.
File

Binawi ang regalong kalabaw...

MANILA, Philippines — Halos humiwalay na ang ulo sa katawan ng isang 60-anyos na lalaki matapos na siya ay pagtatagain ng kanyang­ dating manugang naganap kamakalawa ng umaga sa liblib na lugar ng Brgy. Sinipit, Benito Soliven, Isabela.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Primo Acob, residente ng lugar.

Kusang loob namang sumuko ang suspek na si Orlando De Asis, 51 sa mga opisyales ng barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatanim ng galit ang suspek sa biktima nang bawiin nito ang regalong kalabaw sa kanya matapos na ang anak nito na kanyang dating asawa ay hiniwalayan siya.

Hinala pa ng suspek na ang biktima ang dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang misis na isang OFW dahil sa paninira umano nito sa kanya.

Kaya’t dakong alas-7:30 ng umaga ay nakita ng suspek ang biktima na papuntang bukid at sinundan niya ito at doon isinagawa ang krimen nang pagtatagain sa leeg.

Nang masigurong na­patay ang dating biyenan ay tumakas ito at pagka­lipas ng ilang oras ay sumuko na rin ito sa mga opisyales ng barangay bago dinala sa pulisya.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with