2 Sayyaf natimbog ng NBI
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang miyembro ng Abu Sayaf Group na pinaniniwalaang sangkot sa 2001 Golden Harvest Kidnapping sa Basilan na kinilalang sina Ibno Ismael, alyas Abu Kodano at Totoni Hairon.
Nabatid na nakatanggap umano ng impormasyon ang NBI na namataan si Ismael sa Maharlika Taguig, kung saan nagtatrabaho ito bilang construction workers at nagtatago sa pangalan Pawwad Jamda. Habang si Hairon, ay nagtatrabaho bilang isang security guard sa Port Area sa matagal ng panahon at nagtatago sa pangalan na Ismael Faisal Sarab.
Ang dalawang ASG member ay kapwa may standing warrant of arrest para sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
- Latest