^

Police Metro

2 bigtime ‘tulak’ tiklo sa P6.8 milyong shabu

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa
2 bigtime �tulak� tiklo sa P6.8 milyong shabu

MANILA, Philippines — Kalaboso ang bagsak ng dalawang bigtime ‘tulak’ ng droga nang masakote ng mga otoridad at makumpiskahan ng nasa P6.8-milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation na nauwi pa sa shootout na ikinasugat ng mga ito sa Brgy. Eastern, Wao, Lanao del Sur, kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasakote ay kinilalang sina Dara­ngi Angatong, alyas “Salau­din” at Lendi Asiw Mangon­dacan, na pawang nasugatan nang tangkaing manlaban sa mga pulis kung saan pinaputukan ang mga ito pero hindi pinuruhan upang tiya-king hindi makakatakas at hindi makakapanakit sa arresting team.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang ikasa ang operasyon laban sa mga ito sa Purok 7 Kapigis, sa naturang lugar, matapos mag-positibo ang impormasyon hinggil sa talamak na pagbebenta ng mga suspek ng droga.

Sa kalagitnaan ng operasyon, nang aarestuhin na ay nagtangka pang manlaban ang mga suspek kung saan napilitang putukan ang mga ito ng mga pulis dahilan upang magtamo ng sugat na agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng lunas.

Nakumpiska mula sa mga ito ang mahigit isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8-milyon, drug paraphernalias at isang kulay asul na KIA Picanto (ZFN 679).

Nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with