^

Police Metro

Ang Probinsyano Partylist ‘panalo’ sa Bohol at Cebu

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiyak na ang panalo ng Ang Probinsyano Partylist sa lalawigan ng Bohol nang ito ay ikampanya kahapon ng actor na si Coco Martin at dumugin naman siya ng mga fans ng kanyang palabas sa telebisyon.

Nagkaroon ng maliit na galos ang kanang pisngi ni Coco matapos akyatin at pilit siyang hawakan ng mga naghihiyawang fans habang sumasayaw at kumakanta ito sa entablado sa Dauis Gymanasium sa Bohol.

Bagama’t may mga nakatalaga namang security at hindi na nila nakayanan ang daluyong ng taong sumugod upang mahawakan ang kanilang idolo na siyang pangunanahing nagtataguyod sa #54 Ang Probinsyano Partylist. 

Sa halip na magalit dahil sa pangyayari ay hindi ito inalintana ni Coco at ipinapatuloy ang kanyang performance upang matiyak na masaya ang mga libu-libo niyang fans at masigurado ang kanilang boto para sa #54 Ang Probinsyano Partylist.

Mula sa isla ng Bohol ay lumipad si Coco at mga kinatawan ng #54 Ang Probinsyano sa Camotes Island at nagulat ang grupo sa rami ng taong dumagsa sa bayan ng San Fracisco, Cebu upang masilayan ang grupo.

vuukle comment

ANG PROBINSYANO PARTYLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with