^

Police Metro

Grace Poe, niligawan ang mga Bulakenyo

Pang-masa

MANILA, Philippines — Niligawan kahapon ni Sen. Grace Poe ang mga Bulakenyo nang du­malaw ito sa lalawigan ng Bulacan at nagpasalamat sa mga mamamayan na tumatangkilik sa kandidatura niya kahit tumatakbo siyang independiyente at walang partido.

“Alam po ninyo ako’y nagpapasalamat at nag-e-enjoy na, kasi ang tagal din naming nagtrabaho. Ngayon, kasama ko ang mga kaibigan natin sa Senado na tumutulong, kasi wala akong partido kaya sa ating mga kababayan na tumanggap sa amin, maraming mara­ming salamat po,” sabi ni Poe sabay pasalamat kina Sen. Win Gatchalian at Sen. Joel Villanueva na tubong Bocaue, Bulacan.

Hinggil sa laging pa­ngunguna sa iba’t ibang survey, idiniin ni Poe na nag-iikot lang siya at patuloy sa pangangam­panya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Alam ninyo, kahit na anong survey, may mga iba talaga na magdududa ka pero hayaan mo na, kasi para sa akin, ang pinakaimportanteng survey ay ‘yung araw ng halalan. Bigyan natin ng resulta, tatlong araw na lang. Pero okay naman, nangunguna ang mga babae.”

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with