^

Police Metro

Oust Duterte plot totoo -- Malacañang

Joy Cantos, Rudy Andal - Pang-masa
Oust Duterte plot totoo -- Malacañang
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, na ang impormasyon ukol sa ouster plot laban sa Pangulo ay mula sa isang foreign intelligence report.
File

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Malacañang ang ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ilabas nito ang isang matrix.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, na ang impormasyon ukol sa ouster plot laban sa Pangulo ay mula sa isang foreign intelligence report.

Wika pa ni Sec. Panelo, inutusan siya mismo ni Pangu­long Duterte na ibunyag ang nasabing matrix sa media briefing nito kung saan ay sangkot dito ang ilang mga journalists tulad ng Vera Files, Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at Rappler. Kasama rin sa matrix ay ang National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Ang paglabas ng video ng ‘totoong narcolist’ ni alyas Bikoy ay bahagi rin ng ouster plot kay Pangulong Duterte at nakapaloob din ito sa nasabing matrix.

Nabatid na sa apat na sets ng video ay ibinulgar ng nagpakilalang Bikoy na si Paolo, live-in partner ni Pangulong Duterte na si Honeylet Avancena, Carpio at Go ang nagkakamal umano ng multi-mil­yong payola mula sa droga sa “The Real Narcolist’ videos.

Idinagdag pa ni Panelo, wala pang planong kasuhan ng gobyerno ang nasabing mga journalists na nasa oust-Duterte matrix sa kasalukuyan puwera na lamang kung mayroon na itong over act.

Agad namang inihayag ng AFP na mabibigo ang anu­mang pagtatangka ng mga kritiko na ibagsak sa kapangyarihan ang administrasyon ni Pangulong Duterte dahil sa nanatili ang malakas ang suporta ng AFP at PNP sa Pangulo.

“We don’t see those threat to materialize because we have a very strong AFP, we have a very strong PNP, and very strong ang support na nakikita namin  coming from the Filipinos sa ating administration,” pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col.Noel Detoyato.

Ginawa ni Detoyato ang pahayag matapos namang kumpirmahin ni Panelo ang Oust Duterte matrix na nagsasangkot sa ilang media organizations at mga mamamahayag sa destabilization plot laban kay Pangulong Duterte at administrasyon nito.

Ayon kay Detoyato karaniwan nang sa tuwing may bagong Pangulo na nahalal sa bansa ay may mga posibilidad na may mga grupong nais itong patalsikin sa puwesto.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with