^

Police Metro

Pulis todas, 3 sugatan sa banggaan

Joy Cantos, Raymund ­Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Patrolman Jose Nipahoy Heggog, 27, ng Brgy. Umilag, Lamut, Ifugao nang aksidenteng bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang tricycle na ikinasugat din ng tatlong iba pa kamakalawa sa kahabaan ng provincial road, Brgy. Lawig, kamakalawa.

Ang mga nasugatan ay sina Henry Dulin, retiradong pulis; Duff Dulnuan, 34, overseas Filipino wor­ker; at Cadet 3d Class Jeslee Tuguinay, 23, ng Philippine Military Aca­demy (PMA).

Sa ulat, bago nangyari ang sakuna bandang alas-6:00 ng gabi sa nasabing lugar ay kasalukuyang bu­mabagtas sa lugar ang kulay itim na Honda TMX tricycle (2445 XS ) na minamaneho ni Dulin nang makabanggaan nito ang motorsiklo ni Heppog nang biglang lumiko sa kaliwang bahagi papasok na sa gate ng isang bahay sa lugar nang mabulaga ito sa motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon sa motorsiklo ang driver na si Heggog at backrider nito kung saan napuruhan sa ulo ang nasabing parak na idineklarang dead on arrival sa Panopdopan District Hospital.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with