^

Police Metro

3 police officials sinibak sa P2 bilyong paluwagan scam

Joy Cantos, Mer Layson, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) ang tatlong opisyal ng Philippine National Police (PNP) na pawang nakatalaga sa Soccsksargen bunsod ng P2-bilyong investment scam.

Kinilala ni DILG Sec. Eduardo Año ang mga sinibak na sina  Col. Manuel Lukban, Col. Raul Supiter, at Lt. Col. Henry Viñas na isinasailalim sa masusing investigation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ang pagsibak sa tatlo ay ginawa matapos matukoy na may alam sila sa Pulis Paluwagan Movement (PPM) na nakalikom ng mahigit sa P2-bilyon mula sa iba’t ibang police officers, kanilang pamilya at mga kaibigan sa General Santos City at kalapit na probinsiya.

Sinasabing may 30 pang police personnel at sibilyan ang nasa likod ng scam na nangangakong magbibigay ng 60-percent interest rate sa tuwing ika-15 araw sa bawat perang inilagak ng mga biktima sa PPM.

Modus umano ng PPM na kapag bagong miyembro ka lang sa kanila ay mabilis magbigay ng interest para mahikayat ang isang biktima na maglagay pa ng mas malaking investment hanggang hindi na maibibigay ang kanilang porsiyento.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with