^

Police Metro

2 patay sa trak na may dalang pasyente

Raymund ­Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang tricycle driver ang nasawi nang mabundol ng isang trak na magsusugod sana sa ospital sa dalawang sakay ng motorsiklo na bumangga sa isang bahay naganap kamakalawa sa Brgy. District One, Benito Soliven, Isabela.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rendel Ca­yanan, 27, tricycle driver at Paulino Vergara, 42.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-5:15 ng hapon ay nagmalasakit na hintuan ng truck driver na si Ricardo Collado sina Vergara, at Jessie Arreniego, 45 na sumalpok ang motorsiklo sa isang abandonadong bahay para dalhin sila sa ospital.

Mabilis na pinatakbo ni Collado ang trak nang mawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho at nasalpok ang tricyle ni Cayanan at pick-up na minamaneho ni Felipe Domingo, 41.

Dahil sa nangyaring sakuna ay hindi nakara­ting ng buhay si Vergara sa ospital habang inoobserbahan si Arreniego.

Namatay naman habang ginagamot sa isang pribadong pagamutan si Cayanan.

vuukle comment

RENDEL CA­YANAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with