^

Police Metro

Pinoy workers na masasangkot sa droga ‘di tutulungan-Duterte

Rudy Andal - Pang-masa
Pinoy workers na masasangkot sa droga �di tutulungan-Duterte
Nilinaw naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media briefing kahapon ang ibig ipahiwatig ng ­Pangulo ay hindi tutulungan ng gobyerno ang mga OFW’s na sangkot sa illegal drugs lalo ang nagsisilbing mga drug courier.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Hindi umano matutulungan ng gobyerno ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na magkakamaling gumawa ng labag sa batas partikular na ang droga.

Ito ang naging banta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga OFWs sa kanyang mensahe sa 1st Liga ng mga Barangay Assembly kamakalawa ng gabi sa SMX convention center sa SM, Pasay City.

“Do not commit the --- committing crimes, your crimes in other countries. I cannot help you and I won’t help you. ‘Yan tandaan ninyo ‘yan. For everybody, ma general, ma… Kita mo pagbukas ni Bato, pagbukas niya,” wika pa ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa Liga ng mga Barangay.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media briefing kahapon ang ibig ipahiwatig ng ­Pangulo ay hindi tutulungan ng gobyerno ang mga OFW’s na sangkot sa illegal drugs lalo ang nagsisilbing mga drug courier.

Aniya, ang tanging tulong na maibibigay ng gobyerno sa pamamagitan ng embahada ay ang bigyan siya ng lawyer upang maipagtanggol ang kanyang sarili sa korte.

Kung ang hihinging tulong ng nakulong o nakasuhan na OFW ng pagi­ging drug courier ay para mabigyan siya ng pardon ay wala itong maaasahan na tulong mula kay Pangulong Duterte dahil against ito sa kanyang policy laban sa illegal drugs.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with