^

Police Metro

Kongreso ‘di pwedeng pilitin ang Presidente na isiwalat ang medical records

Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaki ang paniwala ni senatoriable Rafael Alunan na walang karapatan ang sinoman na pilitin ang Pangulo ng bansa na isapubliko ang kanyang kondisyong pangkalusugan kahit ito pa ay ang Kongreso.

Ito ang inihayag ni da­ting Interior and Local Government Secretary Alunan na hindi maaaring i-pressure ng Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte na isiwalat sa publiko ang kanyang kalaga­yang pangkalusugan.

Sa halip ay maaari lamang makiusap ang Kongreso kung ano ang totoong medical condition ng Pangulo ngunit, sa huli ang Pangulo pa rin ang may desisyon kung isasapubliko ito o hindi.

“Because the 3 bran­ches of the government are equal parts so we can’t compel the Office of the Executive, rather we can request the Office of the President. And it’s up to the Office of the Executive if they want to reveal or not,” paliwanag ni Alunan.

Noon pa man ay marami nang kumukuwestiyun sa lagay ng kalusugan ng Pa­ngulo at kung kakayanin pa niyang tapusin ang kanyang termino hanggang 2022.

Kamakailan, kumalat ang isang fake news na nagsasabing patay na ang Pangulo na tinawanan lang ng Palasyo.

Sakaling palarin sa Senado, isa sa isusulong ni Alunan ay mapanagot ang sinumang hindi maingat sa paglalabas ng impormasyon hinggil sa ating Punong Ehekutibo.

vuukle comment

KONGRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with