^

Police Metro

2 pulis bali ang mga buto sa road crash

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang nagkabali-bali ang mga buto nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa poste ng kuryente, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Callao Norte, Lasam, Cagayan.

 

Ang dalawang biktima ay kinilalang sina PO1 Argie Avila 27, ng Lasam Police Station at PO1 Jean Paul Obedoza, 27 ng Regional Mobile Force Battalion na nakabase sa bayan ng Lal-lo. 

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay mabilis umano ang takbo ng motorsiklo na minamaneho ni PO1 Avila angkas si PO1 Obedoza na pauwi galing sa isang hindi tinukoy na misyon nang sumadsad sa  malaking tambak ng buhangin bago ito sumalpok sa poste ng kuryente kaya’t tumalsik ang mga ito na una ang mga katawan na bumagsak sa kalye.

Ang dalawang pulis ay unang dinala sa Lasam District Hospital bago inilipat sa Cagayan Valley Medical Center dahil sa pagkabali ng kanilang mga buto.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with