^

Police Metro

Bigtime ‘tulak’ tiklo

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang isang sinasabing bigtime na ‘tulak’ ng droga matapos masakote at makumpiskahan ng nasa mahigit dalawang kilo ng shabu na may halagang nasa P11-milyon sa buy-bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa Brgy. Pasong Camachili 2, sa lungsod ng Gen. Trias, sa lalawigan ng Cavite, kamakalawa.

 

Ang suspek ay kinilalang si Sariff Macmod Kaurak, alyas “Jhony”, 42, taga-Maguindanao, at residente ng Pasong Buwaya, Imus City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 ng hapon nang ikasa ang operasyon laban sa suspek matapos itong magpositibo sa ilegal na gawain makaraang isailalim sa ilang araw na surveillance.

Isang pulis ang tumayong buyer at nakipag-transaksyon sa P200,000 halaga ng shabu.

Nang magpositibo ang buy-bust, dito ay agad nang dinakma ng mga pulis ang suspek at nakuha mula sa kanya ang isang malaking plastic na may lamang shabu at 16 na piraso ng maliliit na plastic sachet na naglalaman din ng shabu na may kabuuang timbang na 2 kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P11-milyon.

vuukle comment

DRUGS

PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with