^

Police Metro

3 kadeteng pulis guilty sa oral sex

Joy Cantos - Pang-masa
3 kadeteng pulis guilty sa oral sex
Magugunita na ang insidente na lumikha ng kontrobersya sa PNPA ay nangyari noong Oktubre 6 ng taong ito matapos atasan ng isang 3rd class cadet ang dalawang plebo na mag-oral sex sa kaniyang harapan habang dalawa naman nitong kasamahan ang nanonood lang sa insidente.
File

MANILA, Philippines — Guilty ang ibinabang hatol ng probe team laban sa tatlong kadete ng Philippine National Police Aca­demy (PNPA) na nasangkot sa oral sex at pinatawan nang pagkakatalsik sa aka­demya.

“Please be informed that the Second Class Cadet and two other 3rd Class cadets involved in the above activity against two fourth class cadets  are found guilty for the administrative charges filed against them”, pahayag ni PNPA Director P/Chief Supt. Chiquito Malayo.

Magugunita na ang insidente na lumikha ng kontrobersya sa PNPA ay nangyari noong Oktubre 6 ng taong ito matapos atasan ng isang 3rd class cadet ang dalawang plebo na mag-oral sex sa kaniyang harapan habang dalawa naman nitong kasamahan ang nanonood lang sa insidente.

Ang nasabing kahalayan ay bilang parusa umano sa maliit na pagkakasala na nagawa ng dalawang plebo.

Ipinag-utos na ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa PNPA ang pagpapatalsik sa tatlong kadete.

Anya,walang puwang sa akademya ang mga bastos at walang disiplinang kadete lalo na para maging pulis sa hinaharap.

Binigyan naman ng PNPA ng 48 oras ang nasabing mga kadete para magsumite ng motion for reconsideration sa kanilang kasong kinakaharap.

vuukle comment

PNPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with