^

Police Metro

Turkish na nanakit, nanagasa ng traffic enforcer ideport-Erap

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinadedeport ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Turkish na nanakit ng traffic enforcer matapos na hulihin sa Intramuros, Manila dahil  sa illegal parking.

Anya, dapat lamang na maibalik sa kanyang bansa si Yuksel Ibrahim, 24, isang negosyante, at nanunuluyan sa Teacher’s Compound, Brgy. West Rembo, Makati at huwag nang payagan na muli itong makabalik ng Pilipinas.

Magugunita na noong Oktobre 25 ay nagsasagawa ng operation ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau nang makita na walang driver ang sasakyan ni Ibrahim na naka-illegal park kaya’t dinala ito sa impounding area sa Central Market.

Dito na nagpakita ng pagiging maangas at kayabangan si Ibrahim nang sigawan at saktan ang ilang tauhan ng  MTPB sa pamamagitan ng pagbukas at pagsara ng pinto ng  SUV. Nasangkot din si Ibrahim sa kaso nang pa­nanagasa sa traffic enforcer na si Makati Public Safety na si Michael Orcino.

vuukle comment

ILLEGAL PARKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with