^

Police Metro

Organ Donor Act tinutulan ng Simbahan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Pahalagahan ang buhay at katawan ng tao dahil dito nananahan ang Banal na Espiritu”.

Ito ang paninindigan ng Simbahang Katolika hinggil sa panukalang Organ Donor Act na isinusulong ni Senator Richard Gordon na batay sa panukala, otomatikong kukunin ang mga mapapakinabangang internal organ ng tao kung idineklarang braindead ang pasyente.

“We consider the human body as the temple of the Holy Spirit, so hindi mo talaga puwedeng basta-basta kunin mo lang kung ano yung mga bahagi ng tao. That’s going to be considered as mutilation, dismembering their body so hindi ‘yan pinahihintulutan ng Simbahan,” pahayag ni Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Ipinaliwanag ni Fr.Secillano na ang braindead na tao ay hindi itinuturing na patay ng Simbahan, sapagkat naniniwala ito sa posibilidad na maaaring mabuhay sa tulong ng mga panalangin at himala ng Panginoong Diyos.

Pangamba ni Fr.Secillano ang kahihinatnan kapag nakukuha ang mga viable organ ng tao kung ito ba ay nasasalin sa tamang mga pasyente dahil maaari itong pagkakakitaan ng mga mapagsamantalang indibidwal.

vuukle comment

RICHARD GORDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with