^

Police Metro

4 Las Piñas pulis wanted sa P200k kotong

Lordeth Bonilla - Pang-masa
4 Las Piñas pulis wanted sa P200k kotong
Ang mga pulis na nakatakas ay kinilalang sina PO3 Joel Lupig; PO2 Vener Guanlao; PO1 Jefferson Fulgencio at PO1 Jeffrey De Leon, pawang nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU), Las Piñas City Police.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Wanted ang apat na pulis-Las Piñas City nang makawala ang mga ito sa entrapment operation ng mga kabaro matapos utusan ang isang 13-anyos na binatilyo na kunin ang P200,000 bayad para sa kalayaan ng isang lalaki na kanilang naaresto sa droga kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Ang mga pulis na nakatakas ay kinilalang sina PO3 Joel Lupig;  PO2 Vener Guanlao;  PO1 Jefferson Fulgencio at PO1 Jeffrey De Leon, pawang nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU), Las Piñas City Police.

Bago ito ay inaresto ng apat na pulis ang drug suspek na si Cyrus Ligutan, ng Block 60, Lot 6, Zone 3, Brgy. Bulihan, Silang, Cavite  sa area ng Las Piñas City at hinihingan ng P200,000 para umano palayain at walang isasampang kaso.

Kaya nagreklamo sa pulisya ang kapatid ng biktima na si Shelane Ligutan, 28, laban sa 4 pulis na suspek kung kaya’t ikinasa ang entrapment operation dakong alas-11:00 ng gabi sa panulukan ng Quirino Avenue at  Victor Medina St., Parañaque City.

Ngunit ang pinaharap ng mga suspek ay ang 13-anyos na si “alias Nonoy” at ito ang nadakip ng mga pulis. Habang nakatakas ang apat na pulis ay sakay ng  isang kulay dark gray na  Isuzu Hi-lander na may “Sinaglahi sticker”.

Sa kasalukuyan ang inarestong si Cyrus ng mga pulis ay hindi pa nakikita ng mga kaanak kung saan ito nakakulong.

vuukle comment

KOTONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with