^

Police Metro

2 bisita sa b-day na napagkamalang waiter pumatay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ng dala­wang lalaki na bisita sa isang birthday party ang bisitang lalaki at babae sa pag-aakalang ito ang tumawag sa kanilang waiter kamakalawa ng gabi sa Brgy. Kalawaan, Pasig City.

Ang biktima na idineklarang dead on ar­rival sa Rizal Medical Center ay nakilalang si Reniel Colina habang nasa kritikal na kalagayan ang kasamang babae na nakilalang si Re-Anne Diamante.

Tumakas naman ang dalawang suspek na na­kilala lamang sa alyas na ‘Jericho’ at ‘Ram’.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen da­kong alas-4:30 ng madaling araw sa parking area ng During’s Barbecue and Restaurant na matatag­puan sa M.Jimenez St., ng nasabing barangay ay kapwa bisita ang mga biktima at suspek sa birth­day party ng isang Sarah Morcillos, na ginanap sa nasabing restaurant.

Sa kasagsagan naman ng kasiyahan at inuman ay napagkamalan umano ng isang Joselito Pami­laran na waiter ang dala­wang suspek at humingi ng yelo sa mga ito.

Nainsulto ang dalawang suspek kaya’t lumabas na lamang ng naturang restaurant at nagtungo sa parking area.

Nagkataon na luma­bas ang dalawang bik­tima at inakala na ito ang tumawag sa kanila ng waiter, isa sa mga suspek ang nagbunot ng baril at kaagad na pinagbabaril ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang gray na kotse.

Isinugod naman ng mga testigo sa ospital ang mga biktima ngunit hindi na umabot ng buhay si Colina.

vuukle comment

BIRTHDAY PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with