^

Police Metro

Cayetano no.1 sa puso ng mga taga-Taguig

Pang-masa
Cayetano no.1 sa puso ng mga taga-Taguig
Nagulat ang mga residente ng nasabing distrito na nauuso ang pangalang Allan at paniwala nila na panggulo lamang ito.
AP, Aaron Favila, File

MANILA, Philippines — Nananatiling No. 1 sa puso ng mga residente sa distrito ng Taguig-Pateros si dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kaya’t kakain umano ng alikabok ang kalaban nito sa eleksyon na kapangalan din niya na si Allan Cerafica.

Nagulat ang mga residente ng nasabing distrito na nauuso ang pangalang Allan at paniwala nila na panggulo lamang ito.

Nabatid na naging kapitan itong si Cerafica ngunit iniwan ang paglilingkod sa bayan at mas pinili na mangibang bansa at babalik lang dahil nakakita ng oportunidad sa politika.

Pero ayon sa mga residente ng Taguig-Pateros na ayaw nila ng ganyang klaseng lider na mamumuno sa kanila dahil ang gusto nila ay handang ipaglaban ang kanilang nasasakupan at hinding hindi nang-iiwan.

Nais nila ang isang lider na totoong may mahusay na track record sa paglilingkod sa bayan tulad ni ­Cayetano na ipinakita ang pagmamahal sa pamamagitan ng mga programa na lubos na nakatulong sa kanilang pamumuhay.

Kamakailan ay nagpahayag sa social media si Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinuri ang mga ipinatupad na reporma ni Cayetano noon panahon ng kanyang panunungkulan sa ahensya.

Napaganda nito ang frontline services ng DFA at mas napahusay ang pagpo-proseso ng passport pati na rin ang serbisyo at tulong para sa mga Overseas Filipino Workers sa buong mundo.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with