^

Police Metro

Bise ng LGBT community sa Cavite, pinatay ng 2 kabataan

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinadtad nang saksak at pinatay ang isang 40-anyos na bading ng kanyang dyowa na 16-anyos at kasama nitong 18-anyos kamakalawa sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Cyrus Legarda, residente ng Blk. 25 Lt. 5 Brgy. Virata, GMA, Cavite at Vice President ng LGBT sa nasabing lugar.

Agad naaresto ang dalawang suspek na sina John Paolo Muega,18, at ang dyowa ng biktima na itinago sa pangalang Alden, 16, kapwa residente ng  Brgy. Luzviminda 2, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang matagpuan ang duguang bangkay ng biktima ng kanyang tenants na si Glenda Gallano.

Anya, mag-isa lamang umanong nakatira ang biktima sa roof top ng bahay nito na huling nakitang buhay noong Oktubre 31, ganap na alas-6:30 ng gabi.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay batay sa kuha ng CCTV na tangay ng mga ito ang motorsiklo ng biktima na ginamit nila sa pagtakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng dalawang suspek na patayin ang biktima.

vuukle comment

LGBT COMMUNITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with