^

Police Metro

Pulis kernel na nasa Duterte’s list, napatay

Joy Cantos - Pang-masa
Pulis kernel na nasa Duterte�s list, napatay
Sa ulat ni PNP–Counter Intelligence Task Force (CITF) Commander P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., kinilala ang napatay na suspek na si Supt. Santiago Rapiz, nakatalaga bilang Logistic Officer sa Zamboanga del Norte Provincial Police Office (PPO).
File

MANILA, Philippines — Isang police Colonel na nasa druglist ni Pangulong Rodrigo Duterte ang napatay nang ito ay manlaban umano sa kanyang mga kabaro sa isinagawang anti-drug bust operation sa Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PNP–Counter Intelligence Task Force (CITF)  Commander P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., kinilala ang napatay na suspek na si Supt. Santiago Rapiz, nakatalaga bilang Logistic Officer sa Zamboanga del Norte Provincial Police Office (PPO).

Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-7:40 ng gabi ay nakipagkoordinasyon ang PNP-CITF sa PDEA at Police Regional Office (PRO) 9 para sa buy-bust ­operation laban kay Rapiz sa harapan ng Andres Bonifacio College gymnasium ng lungsod.

Habang isinasagawa ang transaksyon ng droga matapos na iabot sa suspek ang P50,000 marked  money ay nakahalata ito na undercover agent ang kaniyang ka-transakyon.

Nagtatakbo ito para tumakas, subalit nakorner ito at sa halip na sumuko ay bumunot ito ng baril at pinaputukan umano ang mga operatiba.

Nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok ang magkabilang panig hanggang bumulagta si Rapiz na nadala pa sa ospital, subalit namatay rin ito.

Ang operasyon laban kay Rapiz ay bunsod ng pagkakabilang nito sa listahan ng mga ninja cops ni Pangulong Duterte na sangkot sa illegal na pagbebenta ng droga na isinasasailalim sa masusing surveillance operations.

Nasamsam sa ope­rasyon ang isang mala­king transparent sachet ng droga na nagkakahalaga ng P 50,000.00 at cal. 45 pistol ng nasabing parak.

Inihayag naman ni Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 9, na lehitimo ang isinagawang ­operasyon ng PNP-CITF at PDEA na may kaukulang koordinasyon sa kanilang himpilan.

vuukle comment

DRUGLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with