^

Police Metro

Dump truck inararo ang 11 sasakyan: 6 todas

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim katao ang nasawi habang 8 ang nasugatan nang araruhin kahapon ng isang dump truck ang 11 sasakyan sa kahabaan ng Maharlika National Highway, Brgy. Malabog at Brgy. Busay sa bayan ng Daraga, Albay.

 

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Bvet Buendia 45; John Patrick Nomo, 24; Kathlyn Altavano, 22; Sandy Bonsa; Gina Altavano; at ang driver ng dump truck.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay binabagtas ng dump truck ang palusong na bahagi ng nasabing highway nang ito ay mawalan ng preno at unang nasalpok ang dalawang tricycle na ikinasawi ni Buendia.

Makaraang mabangga ang dalawang tricycle ay tuluy ang pagtakbo nito hanggang makarating ng Brgy. Busay at binangga ang isang SUV (YEF-508) at pampasaherong jeepney (EVJ-302) at ilan pang pribadong behikulo at motorsiklo.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with