^

Police Metro

Solon pumalag sa ‘common tower’ policy ng DICT

Mer Layson - Pang-masa
Solon pumalag sa �common tower� policy ng DICT
Ayon kay Suarez, para makatipid-tipid ay mas ma­buting gamitin na lamang ang ‘backbone’ ng TransCo (National Transmission Corporation).
Boy Santos

MANILA, Philippines — “I think it’s not fair”.

Ito ang mariing tugon ni House Minority Leader at Quezon province Rep. Danilo Suarez na tinutulan ang nilulutong polisiya ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na pag-aalis sa mga local telecom company ng responsibilidad na magtayo at mag-operate ng sarili nilang cell sites na tinatawag na “common tower” policy na nais ipatupad.

Ayon kay Suarez, para makatipid-tipid ay mas ma­buting gamitin na lamang ang ‘backbone’ ng TransCo (National Transmission Corporation).

Hindi sang-ayon si Suarez sa panukala ng DICT na ibigay sa “independent company” ang pagpapatayo at ope­rasyon ng mobile phone at telecommunications to­wers, na siya ring nais na mangyari na ipinagtatanggol pa ni Presidential Adviser on Economic Affairs and Information Technology Communications Ramon Jacinto.

Una nang nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan nina Jacinto at Globe Telecom General Counsel at Senior Vice President Froilan Castelo sa isinagawang kauna-unahang public consultation ng DICT hinggil sa ipinapanukala nito.

Nagpahayag ng pagdududa si Castelo kung papaano magiging mabilis ang proseso sa pagtatayo ng cell sites kung ito ay ibibigay sa isang independent tower provider.

Sa karanasan, umaabot ng hanggang walong buwan ang kanilang hinihintay sa pag-apruba ng kanilang permit, partikular sa local government units para makapagpatayo ng kanilang tower.

Nabatid na sa ilalim ng ‘common tower” policy ay target ng DICT na magkaroon ng karagdagang 50,000 cell sites at sa unang apat na taong pagpapapatupad nito ay dalawang independent companies lamang muna ang papayagang maging tower providers. 

vuukle comment

DANILO SUAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with