^

Police Metro

Rody kay Imee: ‘Wag sundin ang COA circulars

Rudy Andal - Pang-masa
Rody kay Imee: �Wag sundin ang COA circulars
Ito ang naging komento ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabihan pa si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at iba pang local officials na itulak nito sa hagdan ang COA employee sa kanilang kapitolyo.
Presidential Photo/Karl Norman Alonzo

MANILA, Philippines — “Huwag sundin ang ‘stupid’ Commission on Audit (COA) circulars”.

Ito ang naging komento ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabihan pa si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at iba pang local officials na itulak nito sa hagdan ang COA employee sa kanilang kapitolyo.

Ang naging pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay dahil sa sumbong ni Gov. Marcos na ayaw silang payagan ng COA na mag-cash advance para pambili sana ng mga buil­ding materials tulad ng mga yero matapos ang pananalasa sa kanilang lugar ng bagyong Ompong.

“Yung cash advance, for food lang. ‘Di puwedeng cash advance for these things,” sumbong ni Gov. Marcos kay Pangulong Duterte.

“Ihulog mo sa hagdanan,” sagot ni Pangulong Duterte sa governor ng Ilocos Norte.

Sinabi pa ng Pangulo, wala namang naitulong ang COA sa national development at hindi naman nakatulong sa pagsawata ng corruption sa gobyerno ang circulars ng mga ito para sa mga government transactions.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang nais lamang ni Pangulong Duterte na hindi dapat mabalam ang paghahatid ng tulong ng gobyerno sa mga nasalanta ng bagyong Ompong.

Related video:

vuukle comment

IMEE MARCOS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with