^

Police Metro

Trillanes kumukuha ng simpatiya

Rudy Andal, Malou Escudero - Pang-masa
Trillanes kumukuha ng simpatiya
Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo, at gusto lamang palabasin ni Trillanes na aping-api siya at ginigipit ng gobyerno matapos bawiin ang amnestiyang ibinigay sa kanya.
KJ Rosales

Ginagamit ang pagtira sa Senado....

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Malacañang na ginagamit lang ni Sen. Antonio Trillanes IV ang pananatili sa Senado para makakuha ng simpatiya sa publiko.

Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo, at gusto lamang palabasin ni Trillanes na aping-api siya at ginigipit ng gobyerno matapos bawiin ang amnestiyang ibinigay sa kanya.

Anya, kung tutuusin ay wala ng rason para manatili sa loob ng kanyang opisina si Trillanes dahil hindi naman ito aarestuhin hangga’t walang lumalabas na arrest warrant.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na umano ang nagsabing hahayaan niyang resolbahin muna ng korte ang naturang usapin.

Magugunita na sa ­unang presscon ni Trillanes kahapon ay nagsabi ito na uuwi na siya ng bahay matapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagbabasura sa hinihingi nitong TRO sa Proclamation 572 ni Pangulong Duterte.

Subalit, ilang oras ang nakalipas ay muli itong nagpa-presscon at sinabi na hindi na niya itutuloy na umuwi sa kanyang bahay bagkus ay mananatili na lamang muna sa Senado nang payuhan ng kanyang mga abogado.

Ito ay dahil nakakuha sila umano ng “categorical” na pahayag mula sa AFP na aarestuhin pa rin siya kapag lumabas ng Senado.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with