^

Police Metro

3 pulis na suspek sa prosecutor slay kinasuhan ng murder

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasong murder ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa tatlong pulis na suspek sa pamamaslang kay QC Deputy City Prosecutor Rogelio Velasco noong Mayo 11.

Sinabi ni Atty. Ross Calub, hepe ng NBI-Death Investigation Division na natukoy ang mga suspek na sina SPO2 Rodante Sicat Lalimarco, PO3 Arthur Yasonla Lucy at PO1 Jose Unar Mercado  at walong iba pa na kasabwat sa krimen sa footages ng closed circuit television (CCTV) at sa mga testimonya ng ilang saksi.

Nakita umano sa CCTV ang isang Toyota Innova na ginamit ng suspek na pumasok sa Elliptical circle at ang nasabi ring sasakyan ang nakita na pumasok sa city hall ng QC.

Ang isa pang sasakyan na Toyota Fortuner na ginamit din ng mga suspek na tinanggalan ng plaka ay natukoy naman sa ipinalit sa condction sticker.

Sinisilip na motibo nang pagpatay ang nangyaring pang-aarbor ng isa sa mga suspek na pulis kay Velasco na kaso ng kaniyang kapatid kaugnay sa illegal possession of firearms na hindi umano pinagbigyan.

Depensa umano ng piskal na hindi  lang kaso ng illegal possession of firearms ang kinakaharap ng kapatid kundi may kaso rin ng paglabag sa iligal na droga.

Naganap naman ang pa­nanambang ilang araw matapos ang pakikipag-usap sa biktima ng pulis, bagamat tumangging tukuyin kung sino sa tatlo.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with