^

Police Metro

Rider tinakasan ang checkpoint,napatay

Danilo Garcia - Pang-masa
Rider tinakasan ang checkpoint,napatay
Sa ulat, bago nangyari ang shootout, dakong ala-1:25 ng madaling araw ay napadaan sa checkpoint ng Southern Police District-Highway Patrol Team sa pamumuno ni P/Sr. Insp. Joel de Villena sa may Don Pedro Reyes Avenue, Victoria Homes, Brgy. Tunasan, ang isang motorcycle rider na napansin ng mga pulis na depektibo ang headlight at walang helmet.

MANILA, Philippines — Napatay ang isang motorcycle rider nang ito umano ay makipagbarilan sa mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group makaraang takasan umano ang itinatag na checkpoint kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek na inilarawangnakasuot ng itim na jacket, at asul na t-shirt  na sakay ng isang puting Mio type scooter na walang plaka.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout, dakong ala-1:25 ng madaling araw ay napadaan sa checkpoint ng Southern Police District-Highway Patrol Team sa pamumuno ni P/Sr. Insp. Joel de Villena sa may Don Pedro Reyes Avenue, Victoria Homes, Brgy. Tunasan, ang isang motorcycle rider na napansin ng mga pulis na depektibo ang headlight at walang helmet.

Pinara ang nasabing rider, ngunit sa halip na huminto ay pinutukan umano nito ang mga pulis kaya’t hinabol nila ang suspek ngunit muli umano silang pinaputukan ng suspek.

Kaya’t gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapaslang sa suspek.

Narekober ng mga pulis sa suspek ang dalang scooter, isang kalibre .38 baril na may tatlo pang bala, dalawang cartridges at apat na cartridges sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

vuukle comment

MOTORCYCLE RIDER

PNP-HIGHWAY PATROL GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with