^

Police Metro

4 tigok sa road mishap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang apat na katao matapos na magsalpukan ang dalawang sasakyan sa highway sa Brgy. San Rafael, Zambales nitong Biyernes ng hapon.

Dead-on-the-spot ang dalawang biktima na sina Gilbert Elorde, Maria Ofelia Ebue habang dalawa pa na inaalam pa ang pagkakakilanlan ang binawian naman ng buhay sa isang pagamutan sa Iba,  Zambales.

Milagro namang nakaligtas sa insidente ang isang 2-anyos na batang babae na lulan rin ng behikulo.

Sa report ng Zambales Provincial Police Office, nangyari ang malagim na sakuna sa kahabaan ng highway ng nabanggit na lugar bandang alas-2:30 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang bumabagtas sa nasabing highway ang kulay abong Montero Sport na minamaneho ni Elorde nang makabanggaan nito ang kasalubong na isa ring kulay abo na Toyota Vios na minamaneho ni Danilo Ladrigan.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng matinding sugat ang  mga biktima  na ikinasawi ng apat sa mga ito habang nagtamo naman ng bahagyang sugat ang iba pa.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with