^

Police Metro

Trillanes kakasuhan ng sedisyon

Ludy Bermudo - Pang-masa
Trillanes kakasuhan ng sedisyon
Senator Antonio Trillanes IV
Senate PRIB/Alex Nuevaespaña, File

MANILA, Philippines — Nakatakdang sampahan ng panibagong rekla­mong inciting to sedition si Senator Antonio Trillanes IV sa mga susunod na araw dahil sa umano’y pambabastos nito kay Pangulong Rodrigo Duterte at panghihikayat sa mga sundalo na mag-aklas.

Ito ang ihiyag ni Labor Undersecretary Jacinto Paras sa isang live interview sa radio kahapon ng hapon.

Ani Paras, hindi tama na bastusin ang Pangulo ng bansa at tawagin itong ‘sira-ulo’, ‘mamamatay tao’ at ‘kurakot’ ni Trillanes at sulsulan ang mga sundalo na huwag sumunod sa utos ng Pangulo.

Ito’y  kaugnay pa rin sa naging pasiya ni Duterte na bawiin ang amnesty ni Trillanes na ipinagkaloob noon ni dating Pangulong Benigno Aquino III  kaya’t nabuhay muli ang dati niyang kasong rebelyon noong taong 2003 at 2007 nang pangunahan ang Oakwood Mutiny at Manila Peninsula Siege.

Una nang naghain ng reklamong grave threat o pag­labag sa Article 282 ng Revised Penal Code si Paras laban kay Trillanes sa Pasay City Prosecutor’s Office noong nakalipas na Hunyo 6 kaugnay sa pagbabanta  umano sa kanyang buhay ng senador sa naganap na Senate hearing ng Oversight Committee on Overseas Foreign Workers na dinaluhan nila noong Mayo 29.

 

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with