^

Police Metro

Karnaper utas sa shootout

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay ang isang karnaper habang nakatakas ang kasama sa kasagsagan ng pakikipagbarilan sa mga pulis na humabol sa kanila matapos karnapin ng mga ito ang isang motorsiklo sa Noveleta, Cavite kahapon.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-3:30 ng madaling araw sa Brgy. San Rafael 4 ay minamaneho ng biktimang si Darwin Encarnacion, ang kaniyang motorsiklo na Honda Wave (UP 3775) nang harangin siya ng riding in tandem na mga suspek at puwersahang kinuha ang kanyang motorsiklo.

Humingi ng tulong ang biktima sa nagpapatrulyang pulis at hinabol ang mga suspek at nang naabutan ay pinutukan umano ng mga ito ang mga humahabol na pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang suspek na kinilalang si Christian Abudi habang nakatakas kasama nito patungong direksiyon ng Cavite City.

vuukle comment

DARWIN ENCARNACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with