^

Police Metro

Habagat hahataw pa

Mer Layson, Gemma Garcia - Pang-masa
Habagat hahataw pa
Ayon pa kay Aurelio na si bagyong Karding ay magpapatuloy para palakasin ang habagat bagamat ito ay nakalabas na sa Philippine area of responsibility.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Inihayag ni PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio na katamtamang mga pag-ulan at paminsan-minsang ma­lakas na ulan dulot ng habagat ay magpapatuloy at mararanasan hanggang Miyerkules sa Metro Manila, Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa.

Ayon pa kay Aurelio na si bagyong Karding ay magpapatuloy para palakasin ang habagat bagamat ito ay nakalabas na sa Philippine area of responsibility.

Ayon pa kay Aurelio na kahapon ng umaga ay hindi nila inaasahan ang pagbuhos ng ulan tulad nang nangyari noong Sabado sa Metro Manila.

Nabatid na ang mga radar ng PAGASA ay matatagpuan sa Tagaytay at Subic na malalaman kung sa loob ng tatlong oras kung malakas ang buhos ng ulan.

“Within 3 hours po ay makikita natin kung may malakas na pag-ulan bago pa lang ibabagsak sa lugar,” wika ni Aurelio.

Samantala, nagdek­lara na ng red alert ang Natio­nal Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nangangahulugan na lahat ng miyembro ng NDRRMC ay dapat 24/7 na duty bilang rotational basis para mamonitor ang epekto ng habagat na base sa kanilang standard ope­rating procedures.

Matatandaan na noong Sabado ay nagkaroon ng Torrential rains na nagdulot ng pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at mga katabing lalawigan.

Dahil sa patuloy ang pabugsu-bugsong pag-ulan at pagbaha ay nagsuspinde ng klase sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ngayong Lunes, Agosto 13.

Nabatid na nagkansela na ng klase sa mga lungsod sa Metro Manila ang Malabon City: all levels, public and private; Marikina City, all levels, public and private; Navotas City, all levels, public and private at Valenzuela City, all levels, public and private.

Kanselado na rin ang klase sa Benguet; Ba­lagtas Bulacan; Baliwag; Bulakan; Calumpit; Guiguinto; Hagonoy; Meycauayan; Malolos; Paombong, pawang sa Bulacan; Lingayen Pangasinan; San Mateo, Rizal; Rodriguez, Rizal at Taytay, Rizal, all levels, public and private.

vuukle comment

HABAGAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with