Army patay sa motorsiklo
MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Philippine Army Sargent Rommel Molina, 37, may-asawa nang sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa kongkretong center island sa harap ng City Hall ng Bacoor City Hall, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-11:15 ng gabi sa kahabaan ng Bacoor Boulevard tapat ng Bacoor City Hall, Brgy. Bayanan, Bacoor City, Cavite ay minamaneho ng biktima ang kanyang Honda (NC34849) na kulay red/black at bumabagtas sa nasabing lugar nang gumewang ang motor at tuloy tuloy na sumalpok sa concrete center island ng kalsada.
Sa lakas nang pagkakasalpok ay lumipad ito at tumilapon ang biktima at lumagapak sa kalsada.
- Latest