Chinese President Xi bibisita sa Pinas
MANILA, Philippines — Bago matapos ang taong ito ay nakatakdang bumisita sa bansa si Chinese President Xi Jinping.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing sa Malacañang at ito ang unang pagbisita ni President Xi sa bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“There is an impending visit after the APEC in Papua New Guinea. After APEC in November,” wika pa ni Sec. Roque.
Unang dumalaw sa bansa si President Xi ng ganapin ang Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa bansa noong November 18-19 2015.
Inaasahang dadalo si President Xi sa regional economic forum na gaganapin sa Papua New Guinea sa darating na Nobyembre.
Magugunita na makailang ulit ng bumisita si Pangulong Duterte sa China mula ng maupo itong chief executive ng bansa.
- Latest