^

Police Metro

Narco cop todas sa drug bust

Joy Cantos - Pang-masa
Narco cop todas sa drug bust
Ang bangkay ni PO2 Ian Rey Abitona na nakadestino sa Infanta Municipal Police Station matapos mapatay ng kanyang mga kabaro nang manlaban sa buy bust operation kahapon sa Brgy Pilaway, Infanta, Quezon.Si PO2 Abitona ay sinasabing sangkot sa illegal drug trade sa nasabing bayan.

MANILA, Philippines — Napatay ng mga pulis ang isa nilang kabaro na umano ay sangkot sa illegal drug trade nang manlaban umano ito sa isinagawang drug bust operation kahapon ng umaga sa Barangay Pilaway, Infanta,Quezon.

Kinilala ang  napatay na parak na si PO2 Ian Rey Abitona,  nasa drug watchlist at residente ng Brgy. Pilaway, Infanta.

Nabatid na si PO2 Abitona ay kabilang sa isinasailalim sa surveillance operation na tinaguriang ninja cop o pulis na sangkot sa illegal drug trade na nagre-recycle ng droga.

Batay sa ulat, bandang alas-7:35 ng umaga nang magkasa ng operasyon ang pinagsanib na ele­mento ng PNP-CITF, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Provincial Intelligence Branch (PIB) Quezon Provincial Police Office (PPO) laban kay PO2 Abitona.

Habang nagsasagawa ng transaksyon ay nakatunog si PO2 Abitona na mga pulis ang kaniyang ka-transaksyon kaya agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga otoridad.

Gumanti ng putok ang mga otoridad at tinamaan at napatay si PO2 Abitona.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na si PO2 Abitona ay isang drug dealer at isang drug protector sa Infanta, Quezon at ginagamit ang isang civi­lian asset upang makapag-recycle ng ille­gal na droga.

Si PO2 Abitona ay dating nasibak bilang intelligence and Drug Enforcement Unit (DEU) operatives at kasaluku­yang nakatalaga bilang desk officer sa Infanta Police Station.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with