^

Police Metro

Ex-cop sa ‘Duterte’s list’ utas sa drug bust

Danilo Garcia - Pang-masa
Ex-cop sa �Duterte�s list� utas sa drug bust
Batay sa ulat ng Northern Police District (NPD), bago nangyari ang shootout dakong alas-9:25 ng gabi ay nagkasa muna ng buy bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Valenzuela City Police- Station Drug Enforcement Unit sa may Saint Jude Street, Brgy. Malinta, Valenzuela City.
File

MANILA, Philippines — Isang dating pulis na kabilang sa listahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na sangkot sa droga ang nasawi nang ito ay manlaban sa mga pulis sa ikinasang drug buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Ang suspek na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang si dating PO2 Exequiel Sanco, 50, may-asawa, nakatira sa No. 301 Gen. Luna Street, Caloocan City.

Batay sa ulat ng Northern Police District (NPD), bago nangyari ang shootout dakong alas-9:25 ng gabi ay nagkasa muna ng buy bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Valenzuela City Police- Station Drug Enforcement Unit sa may Saint Jude Street, Brgy. Malinta, Valenzuela City.

Isang tauhan ng PDEA ang nagpanggap na buyer at matagumpay na na­kabili ng isang plastic sachet ng shabu kapalit ng P500 marked money sa suspek.

Subalit nakatunog umano ito na otoridad ang kanyang katransaksyon kaya’t nang bumunot ito ng baril ay inunahan na ito ng poseur buyer na otoridad at binaril sa katawan ang suspek.

Agad namang isinugod ng mga nakaantabay na mga pulis sa Valenzuela City Medical Center ang suspek ngunit hindi na umabot ng buhay.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar ng krimen ang isang kalibre .9mm na baril na may walo pang bala sa magazine, isang Kawasaki motorcycle (UV 4786) na may sidecar at mga pera.

Nakuha naman sa po­sesyon ng suspek sa loob ng ospital ang nasa 21 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, 25 pang blangkong plastic sachet, P500 marked ­money at ang isang pakete ng shabu na binili ng operatiba.
Magugunita na noong 2017 ay naglabas ng listahan ng mga opisyal ng pamahalaan, hudikatura at pulis na sangkot sa iligal na droga si Duterte noong 2017 na kung saan ay kabilang si Sancho.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with