^

Police Metro

Mandatory drug test sa studes, guro itutuloy ng PDEA

Mer Layson - Pang-masa
Mandatory drug test sa studes, guro itutuloy ng PDEA
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, may mga nahuhuli silang guro at mga estudyante sa kanilang mga operasyon kaya isusulong nila ang pagsasagawa ng drug test.
File

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na itutuloy nila ang pagsasagawa ng mandatory drug test sa mga guro at estudyante sa bansa.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, may mga nahuhuli silang guro at mga estudyante sa kanilang mga operasyon kaya isusulong nila ang pagsasagawa ng drug test.

Sinabi ni Aquino, mula grade 4 pataas ang kanilang isasailalim na estudyante sa drug test kasama ng kani-kanilang mga teacher.

Sa rekord ng PDEA, ang pinakabata na kanilang naaresto ay edad na 10 taong gulang.

Aniya, sa ngayon ay nakipag-ugnayan na ang PDEA sa Dangerous Drugs Board (DDB) at Department of Education (DepEd) hinggil sa pagpapatupad ng panukala.

Kaugnay nito ay bukas naman ang DepEd sa nasabing mungkahi pero kailangan umanong tiyakin na hindi maaabuso ang mga kabataang dadaan sa drug testing.

Una ng sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na dapat na ipaalam muna sa mga magulang ang mandatory drug test sa kani-kanilang mga anak.

Giit ni Briones, sensitibo ang usapin kaya dapat na isagawa lamang ito sa piling populasyon ng mga estudyante sa bansa.

vuukle comment

AARON AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with