^

Police Metro

Ex-VP Binay at mga dating BSP officials kinasuhan ng graft

Angie dela Cruz - Pang-masa
Ex-VP Binay at mga dating BSP officials kinasuhan ng graft

MANILA, Philippines — Haharap sa preliminary investigation si dating Vice President Jejomar Binay at kanyang mga dating kasama sa Boy Scouts of the Philippines (BSP) at mga opisyales ng BIR dahil sa umano’y maanomalyang transaksyon na ikinalugi ng milyong piso ng gobyerno.

Inirekomenda kahapon ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng graft charges laban kay Binay, dating mga BSP executives, at mga opisyales ng  Alphaland Makati Place, Inc. (AMPI).

Si Binay ay dating pangulo ng BSP sa loob ng dalawang dekada na umano ay inaprubahan ang pagbebenta ng isang ektaryang lupa na pag-aari ng BSP sa Alphaland sa mababang halaga.

Ang property ay matatagpuan sa kahabaan ng Malugay Street, Makati na ibinenta sa Alphaland noong June 2, 2011 sa halagang P600 milyon lang na ang tunay na halaga ay nasa P1.75 bilyon.

Nasangkot naman ang BIR officials  nang maglabas ng sertipikasyon na ang bentahan ay exempted sa bayarin sa capital gains tax na nagresulta ng pagkalugi ng gobyerno ng P63,000,000.00 sa buwis.

vuukle comment

JEJOMAR BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with