^

Police Metro

Sanggol ipina-abort, sinilaban

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinalaglag ng magkasintahan ang nasa sinapupunan ng mi­sis at kanila itong sinilaban sa loob ng sementeryo kamakalawa sa Silang, Cavite.

Ang insidente ay nala­man ng mga otoridad matapos na dinala sa ospital ang babae dahil sa hindi maampat ang pagdurugo ng kaselanan.

Ang ina na patuloy na inoobserbahan sa ospital ay kinilalang si Amanda Oligo, nasa hustong gulang, ng Blk. 17, Lot 9, Brgy. Narra 2, Silang, Cavite. Habang nasa kus­todiya ng pulisya ang ki­na­kasama nitong si Ashley Oliveros.

Sa ulat, dakong alas-11:50 ng tanghali nang makatanggap ang pulisya ng tawag mula sa Emilio Aguinaldo Hospital na mayroon umanong pas­yenteng ipinasok sa kanila na dinudugo sanhi ng abortion.

Nang imbestigahan ay agad na umamin ang mag-live in na magkatulong nilang isinagawa ang pagpapalaglag sa may mahigit 5 buwang gulang ng sanggol sa sinapupunan ni Oligo sa pamamagitan ng mga gamot at ilang minuto lamang ay dinugo na ito at lumabas ang wala ng buhay na sanggol.

Agad na ibinalot ni Ashley sa kumot ang sanggol at dinala sa Bulihan/Maguyam Cemetery at dito sinunog.

Pinuntahan ng mga pulis ang sementeryo na pinagsunugan at narekober ang sunog na sanggol na dinala sa punerarya para mabigyan ng maayos na libing.

Nakakulong ang la­laking suspek habang ka­salukuyan pa ding inoobserbahan ang ina ng sanggol sa ospital.

vuukle comment

AMANDA OLIGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with