^

Police Metro

OFW ipinapatay ng misis at lover

Joy Cantos - Pang-masa
OFW ipinapatay ng misis at lover
Batay sa ulat, bago ang pagbaril sa biktima sa kanilang bahay sa nasabing barangay bandang alas-8:20 ng gabi ay sinundo pa ang biktima ng kanyang misis at Guico at isang kaibigan sa paliparan nang dumating ito mula sa pagtatrabaho sa Saudi Arabia.
File

Umupa ng killer...

MANILA, Philippines — Isang overseas Filipino worker na kararating lang sa bahay matapos na sunduin sa airport ang pinagbabaril at napatay ng hindi pa kilalang gunman noong Sabado ng gabi sa Brgy. Pinagkawitan, Lipa City, Batangas.

Subalit nang magsagawa ng imbestigasyon ang pulisya ay lumalabas na ang utak sa pagpatay sa biktimang si  Danilo Henson Teruel ay ang kanyang misis na si Janet Capalad Teruel, at umano’y kalaguyo nitong si Roel Guico.

Batay sa ulat, bago ang pagbaril sa biktima sa kanilang bahay sa nasabing barangay bandang alas-8:20 ng gabi ay sinundo pa ang biktima ng kanyang misis at Guico at isang kaibigan sa paliparan nang dumating ito mula sa pagtatrabaho sa Saudi Arabia.

Si Guico ay nauna umano sa mag-asawa sa pag-uwi at hinihinalang kinontak na nito ang gunman para ipaalam na dumating na ang target na OFW na mister ng ginang.

Nakita pa ng testigo sa mismong araw bago dumating ng bahay ang biktima ay kausap na nito ang isang hindi pa kilalang lalaki na siyang bumaril sa biktima.

Kaya naghinala ang pulisya na may kinalaman ang misis at lover sa pagpatay sa biktima na magkasamang naaresto sa isinagawang operasyon sa Brgy. Pinagkawitan, Lipa City, Batangas.

Bagama’t kilala na ang gunman ay hindi muna ito ibinunyag ang pagkaka­kilanlan dahil patuloy  pa ang manhunt operation.

Ang magkalaguyo ay sinampahan sa piskalya ng kasong murder.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with